-- Advertisements --

Inilabas na ang Department of Labor and Employment (DOLE) ang implementing rules and regulations (IRR) sa batas ng Republic Act 11360 o ang batas na ang mga service charges na nakukulekta ng isang establishimento ay paghahatian ng mga empleyado.

Ayon kay DOLE Undersecretary Ana Dione, na ang nasabing halaga ay ibibigay depende sa oras ng ipinasok ng isang empleyado.

Sakaling hindi pumasok ang isang empleyado ay hindi ito mabibigyan ng hati sa service charge.

Nakasaad rin na ang nasabing service charges ay dapat ibigay tuwing dalawang linggo.

Ang nasabing batas ay magiging epektibo pagkatapos na ilathala sa mga diyaryo matapos ang 15 araw.