-- Advertisements --

Nag-desisyon ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na isuspinde ang kanilang interim reimbursement mechanism (IRM) sa gitna ng mga issue na sumulpot kaugnay nito.

Sa isang advisory na naka-post online, sinabi ng state-health insurance na magbibigay daan ang suspensyon para masilip ang kanilang sistema at resolbahan ang kung ano mang issue.

“To review its overall implementation and resolve issues arising from Congressional inquiries.”

“PhilHealth vowed to find ways to make the IRM more responsive to the needs of healthcare facilities affected by the current pandemic to assure patients of continuous access to needed health services.”

Sa ilalim ng IRM, nakakatanggap ng advance payment ang mga ospital at healthcare facilities sa insurance claims ng mga pasyente.

Lumabas sa pagdinig ng Kongreso kamakailan na ang Southern Philippines Medical Center sa Davao City ang nakatanggap ng pinakamataas na IRM na umabot sa P326-milyon.

Sinundan sila ng Philippine General Hospital na may P263-milyon at Davao Regional Medical Center na may P209-milyong IRM.

Umani ng reaksyon ang naturang datos, pero paliwanag ng Department of Health (DOH) naka-depende rin sa laki ng ospital ang halaga ng IRM na kanilang nakukuha.

Nakabatay din daw ito sa tatlong buwang historical claims ng nakaraang taon ang computation ng IRM.

Sa kabila ng suspensyon, sinabi ni PhilHealth spokesperson Dr. Shirley Domingo na tuloy pa rin ang ibang serbisyo ng kanilang korporasyon.