-- Advertisements --
image 234

Inakusahan ng sexual assault si Irish mixed martial arts superstar Conor McGregor, habang ito ay nasa isang NBA game.

Ayon sa ESPN, inakusahan si McGregor na nambastos sa isang babae sa loob ng comfort room ng Kaseya Center noong Game 4 sa pagitan ng Denver at Miami

Ang Kaseya Center ay ang homecourt ng Miami kung saan nanood noon si McGregor.

Ayon sa abogado ng hindi na pinangalanang babae, aggresibo umanong hinalikan ni McGregor ang biktima habang ito ay nasa CR, at pinilit pa niyang makipagtalik ito sa kanya.

Kinumpirma naman ng Miami Police na mayroon na silang natanggap na complaint at sinabing gumugulong na ang kanilang imbestigasyon.

Gayonpaman, tumanggi na ang mga otoridad na magbigay pa ng dagdag na paliwanag.

Samantala, pinabulaanan naman ng abugado ni McGregor ang nasabing paratang.