Plano ng pamahalaan ng Ireland na pataasin pa nito ang export ng mga dairy products sa Pilipinas.
Ito ay kasabay ng paglulunsad nito ng isang kampanya na palakasin ang ugnayan sa mga bansang nasa Asya.
Sa ilalim ng bagong plano, inaasahang aabot ng hanggang 15-million-euro na halaga ng mga dairy products ang ipapasok sa Pilipinas at maging sa bansang Malaysia. Ito ay katumbas ng P898.7 million.
Sa ilalim nito, target ng naturang bansa na matugunan ang pangangailangan ng humigit-kumulang 10,000 dairy buyers mula sa Malaysia at Pilipinas sa susunod na dalawang taon.
Ayon sa pamahalaan ng Ireland, mas malaking bahagi ng naturang export ay dadalhin sa Pilipinas, dahil sa mas mataas ang konsumo at demand dito, kumpara sa Malaysia.
Noong 2022, nakapagtala ang Ireland ng malakihang pagtaas sa export nito ng mga dairy products papunta sa Pilipinas.. Umangat ang volume ng export nito ng hanggang 107%.
Ito ay katumbas ng 72 million euro o P4.31 billion, mula sa 35 million euros (P2.1 billion) na naitala noong 2021.