-- Advertisements --

Kinondina ng Iraq ang pag-atake ng US sa mga lugar na ginagamit ng mga militant group ng Iran sa kanilang bansa.

Ayon sa tagapagsalita ni Iraqi Prime Minister Mohammed Shia al-Sudani na ang ginawa na ito ng US a paglabag sa soberanya ng kanilang bansa.

Dahil dito aniya ay napatay ang isa sa mga sundalo ng Popular Mobilisation Forces (PMF) paramiiltary ng Iran.

Una ng sinabi ni US Defence Secretary Lloyd Austin na ang ginagawa nilang rocket attack ay sa mga lugar na pinagtataguan ng mga militanteng grupo na suportado ng Iran.

Ang nasabing lugar aniya ay pinagtataguan ng mga Kataib Hezbollah militia na siyang responsable sa pag-atake sa mga sundalo ng US at sa ibang bansa.