-- Advertisements --

Iniimbestigahan na ng mga otoridad sa Iran ang tunay na dahilan sa likod nang pagkamatay ng 63-anyos na babae sa bansa.

Nasawi ito sa isang ospital sa Tehran kung saan hinihinalang may sinromas ito ng coronavirus.

Nilinaw naman ni Kianush Jahanpour, tagapagsalita mula Health Ministry ng Iran, na hindi totoo ang mga naglabasang balita na nakapasok na ang COVID-19 sa kanilang bansa.

“There have been no cases of coronavirus in Iran,” saad ni Jahanpour.

Opisyal nang pinangalanan ng World Health Organization (WHO) ang coronavirus bilang COVID-19 na kumitl sa buhay ng 1,00 katao sa China habang umabot na sa 44,650 ang kumpirmadong kaso ng sakit.