-- Advertisements --
Nag-anunsiyo ng dalawang magkaibang sanctions ang European Union at United Kingdom laban sa Iran.
Ito ay may kaugnayan sa pagbibigay ng mga drone na ginagamit ng Russia sa Ukraine.
Sinabi ng US State Department na mayroon itong “maraming ebidensya” na gumagamit ang Russia ng mga drone na gawa sa Iran, sa kabila ng paulit-ulit na pagtanggi ng Tehran.
Inihayag naman ni Iranian Foreign Minister Hossein Amir-Abdollahian na sa kabila ng kanilang kooperasyon sa Russia kaugnay sa defense capabilities, ginagalang ng Iran ang Ukraine’s “territorial integrity.
Ngunit, itinanggi nito na ang Tehran ay nagbigay sa Moscow ng mga drone na ginamit sa deadly attacks sa Kyiv nitong linggo.