Nag-alok ng pabuyang £50,000 o $66,100 ang Iran para sa sinumang makakatulong na mahuli ang nawawalang airman sakay ng US warplane na pinabagsak ng Iran.
Hindi pa batid sa ngayon ang nangyari sa nawawalang American crew, na isang weapon systems officer.
Kayat ginagalugad na rin ng Iranian security forces ang rehiyon, kung saan hinhimok ng Iranian officials ang kanilang mamamayan na hanapin ang US crew ng “buhay” kasabay ng pag-aalok ng pabuya.
Sa parte naman ng US forces, patuloy ang kanilang isinasagawang search operations para mahanap ang nawawalang crew.
Nauna nang inihayag ng Iran na napabagsak nila ang American A-10 Warthog fighter jet, habang nasa search and rescue mission sa naunang napabagsak na aircraft.
Ligtas namang nakalikas ang piloto mula sa aircraft sa may Gulf at kalaunan ay na-rescue.
















