Pinaulanan ng US at United Kingdom ng mga missiles ang ilang lugar sa Yemen na pinagtataguan ng mga Houthi rebels.
Ang nasabing hakbang ay tugon ng US at kaalyadong bansa nito dahil sa patuloy na missile at drone attacks ng Houthi rebels sa mga dumadaang barko sa Red Sea.
Sinabi naman ni US Defense Secretary Lloyd Austin na ang joint strikes ay para mapigilan ang kapasidad ng mga Houthis sa mga dumadaang barko na nagbabanta sa pandaigdigang negosyo.
Ang nasabing strikes ay suportado ng Australia, Bahrain, Canada at the Netherlands.
Gumamit umano sila ng mahigit 100 precision-guided munitions at tinamaan ang 60 targets.
Ayon sa Houthi na ang nasabing strike ay kumitil ng lima at ikinasugat ng anim na miyembro nila.
Kinondina naman ng Iran ang joint strike at sinabing ito ay paglabag sa international laws.
Itinuturing kasi ang Iran na sila ang nagsasanay sa mga Houthi Rebels na umaatake sa mga barko na dumadaan sa Red Sea.










