-- Advertisements --

Inaresto ng intelligence services ng Iran ang 26 na katao na nakikipagsabwatan umano sa Israel.

Ito ay ilang araw matapos ang ceasefire noong Martes, June 24 sa pagitan ng dalawang bansa.

Ayon sa state media sa Iran, natukoy ang mga inarestong indibidwal bilang mga operatiba at “deceived participants” sa kamakailang giyera ng Zionist regime na inaresto ng Intelligence Organization of the Hazrat Vali Asr Corps.

Karamihan sa kanila ay umamin sa kanilang mga aksiyon kabilang ang anti-security activities, pagpapakalat ng takot sa publiko at Gawain ng pananabotahe.

Isinagawa ang pag-aresto matpos ang sekretong operasyon ng commandos ng Israel military sa loob ng Iran sa kasagsagan ng 12-day war.

Una na ring kinumpirma ng Iran ang pagbitay sa tatlong kalalakihan na espiya umano ng Israel.