-- Advertisements --
Inako ng Iran ang missile at drone attack sa western Paksitan.
Ayon sa foreign minister ng Iran na ang nasabing operasyon ay target nila ang militant group na Jaish al-Adi na itinuturing na “Iranian terrorist group” na nasa Pakistan.
Dahil sa insidente ay dalawang bata ang nasawi at tatlong iba pa ang nasugatan.
Ni-recall na rin ng gobyerno ng Pakistan ang ambassador nila sa Iran at hindi na pinabalik ang ambassador ng Tehran sa Pakistan.
Ang atake sa Balochistan ay kasunod ng ginawang pag-atake ng Iran na target ang Iraq at Syria.