-- Advertisements --

In-activate ng Iran ang air defense nito sa Tehran sa mga unang oras ngayong araw ng Lunes, June 23, ayon sa local media.

Ito ay sa gitna ng inaasahang retaliatory attack sa inilunsad nitong missile attack sa Israel nitong umaga na naharang naman ng air defense ng Israel, ayon sa opisyal sa Tel Aviv.

Iniulat naman ng state-affiliated media na na-intercept ng air defense system ng Iran ang “hostile targets” sa kabisera ng Tehran.

Kinumpirma din ng Israeli Defense Forces (IDF) na naglunsad ang Iran ng panibagong bugso ng missile strikes sa Israel.

Nagbunsod ito ng pag-alingawngaw ng sirens sa ilang mga lugar sa bansa.

Kaugnay nito, inatasan ng Israeli military ang publiko na pumasok sa bomb shelters o mamad at tiniyak na gumagana ang kanilang defense systems.