-- Advertisements --

Nagkasundo ang Iran at Amerika para sa dalawang linggong conditional ceasefire at pagbubukas ng Strait of Hormuz.

Kinumpirma naman ng Pakistan, na nagsisilbing mediator, ang naturang kasunduan at inimbitahan ang Iran at US na magsagawa ng dayalogo sa Islamabad sa Biyernes, Abril 10, para magkaroon ng conclusive agreement upang maayos ang lahat ng salungatan.

Ayon kay Pakistaan Prime Minister Shehbaz Sharif, agad na ipinatupad ang ceasefire ilang minuto bago magpaso ang itinakdang deadline ni US President Donald Trump.

Base sa ulat ng Iran state media, ipinag-utos ng bagong Iran Supreme leader sa lahat ng military units na itigil ang mga pag-atake.

“This is not the end of the war but all military branches should follow the Supreme Leader order and cease their fire.”

Sa 10-point plan ng Iran, pumayag umano ang US na siguruhing hindi na mauulit ang agresyon laban sa Iran, patuloy na pag-kontrol ng Iran sa Strait of Hormuz, pagtanggap ng uranium enrichment, pagtanggal ng lahat ng primary at secondary sanctions sa Iran, pag-terminate ng lahat ng resolutions ng UN Security Council at International Atomic Energy Agency, paagbabayad ng kompensasyon sa Iran, pag-atras ng US combat forces mula sa rehiyon at ang pagtigil ng giyera sa lahat ng fronts ng Iran kabilang ang Islamic resistance ng Lebanon.