Nagsimula nang mag-release ng tubig ang Ipo Dam sa Bulacan dahil na rin ng malakas na pag-ulan na dulot ng bagyong Jolina.
Ayon sa Pagasa,ang water level ng tubig kaninang umaga ay umabot na sa 101.23 meters at patuloy na tumataas dahil na rin sa pag-ulan mula sa Severe Tropical Storm.
Kasunod nito, nag-abiso na rin ang Pagasa sa mga residenteng nasa low-lying areas at mga lugar na malapit sa Angat River bank sa Norzagaray, Angat, San Rafael, Bustos, Baliuag, Pulilan, Plaridel at Hagonoy na maging alerto dahil sa posibleng pagbaha.
Samantala, maging ang ilang gates ng Ambuklao at Binga dams ay nakabukas dahil sa malakas na pag-ulan dulot ng bagyo.
Isang gate ng Ambuklao Dam sa Benguet ang nakabukas ng 0.50 meters habang dalawang gate naman ng Binga Dam na nasa Benguet din ang nakabukas ng 0.80 meters.