-- Advertisements --
Ipinagtanggol ni International Olympic Committee President Thomas Bach ang kanilang desisyon na ipagpatuloy ang 2020 Tokyo Olympics.
Kasunod ito ng dumadami pang apela na tuluyang ipagpaliban ang palaro para na rin sa kaligtasan ng mga atleta at mga dadalo rito.
Sinabi pa ni Bach na isang abnormal na sitwasyon umano ang coronavirus pandemic at walang paraan para masolusyonan ito kaagad.
Aniya, ang pagkansela ng Tokyo Games ay pagsira ng pangarap ng halos 11,000 atleta mula sa 206 bansa.