-- Advertisements --
Tumaas ang kaso ng investment scams noong 2020 kumpara noong 2019.
Ayon sa Securities and Exchange Commissions (SEC) na umabot sa 127 ang kaso ng investment scams na inilapit sa kanila kumpara sa 65 lamang noong 2019.
Ayon kay SEC chair Emilio Aquino na mayroong 38 ang inilapit sa kanila noong kasagsagan ng lockdown.
Sinasamantala aniya ng mga suspek ang pamamalagi sa bahay ng mga biktima kaya malakas ang loob nila.
Malaki ang paniwala ni Aquino na maaaring umabot sa ilang bilyong piso ang nakulimbat ng mga scammers.