ROXAS CITY – Dumating na sa Roxas City ang tinaguriang Forex investment scam queen na si Lourdes Baarde kasama si Joel Domayan.

Ayon kay M/Sgt Ramil Arcangeles, public information officer ng Roxas City PNP na maraming investors ang naghintay sa pagdating ni Baarde sa Roxas City Airport sa kagustuhan na makita at makausap ang forex investment queen.

Kasunod ng pagdating sa Roxas City Airport ni Baarde, dumiretso kaagad ito sa Roxas City Police Station para sa booking procedures at hindi inaasahan na mapupuno ang nasabing himpilan ng pulisya ng mga naghihintay na investors kay Baarde.

Sa ngayon nakabilanggo sa Roxas City Police Station sina Baarde at Domayan.

Matandaan na unang inaaresto ang dalawang nabanggit na akusado ng mga kasapi ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Metro Manila matapos sinampahan sila ng kaso na syndicated estafa ng mga investors ng FOREX investment scheme sa Capiz.