Inihayag ng Board of Investments (BOI) na malapit nang maabot ang P1-trillion investment target nito para sa 2023.
Ito ay pagkatapos ng 203% na pagtaas sa mga pag-apruba na naitala sa unang anim na buwan ng taon.
Ayon sa BOI, inaprubahan nito ang P698 billion na halaga ng mga pamumuhunan noong Enero hanggang Hunyo, mula sa P230 bilyon noong nakaraang taon.
Sinasaklaw nito ang P275 billion na pag-apruba ng domestic investment, at P423 billion pag-apruba ng foreign investment.
Ang bulto foreign capital ay nagmula sa Germany na may P393 billionn, sinundan ng Singapore na may P16.8 billion Netherlands na may P3.57 billion, France na may P2.04 billion, at US na may P1.9 bilion.
Sa usapin ng mga industriya, ang bulto o 76.83% ng kabuuang pag-apruba sa pamumuhunan ay naitala sa renewable energy at power sector na may 30 proyekto sa solar, wind, hydropower, at biomass projects na tinatayang nagkakahalaga ng P536.5 billion.
Mayroong P95.5-billion na halaga ng mga proyektong pang-impormasyon at teknolohiya, P21.3-billion na halaga ng limang proyekto sa transportation ang storage, P16.1-bilyong proyektong halaga ng mga manufacturing projects, at P6.4-bilyong halaga ng mga proyektong pang-agrikultura.
Una nang sinabi ng BOI at kaugnay na ahensya na ang Pilipinas ay nakahanda na maging pangunahing destinasyon ng pamumuhunan sa Asia.