Bahagyang tumaas ang inventory ng mais at bigas sa bansa noong buwan ng Abril ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa ulat ng PSA as of April ,umakyat ang stocks ng bigas ng 2.5% hanggang 2.5 million metric tons mula sa dating 2.4 million MT noong nakalipas na taon.
Subalit sa month to month, ang national rice stockpile ay pumalo sa 53.5% mula sa 1.6 million MT.
Dumami naman ang suplay ng bigas sa mga commercial warehouse,wholesaler o retailers subalit bumaba ang nakapondong bigas sa mga kabahayan at sa National Food Authority.
Sa monthly basis ang suplay ng bigas sa households ay umakyat ng 58.7% at sa commercial warehouse naman ay tumaas ng 63.2% habang bumaba naman sa 13.1% ang stocks sa NFA depositories.
Samantala, iniulat din ng PSA na umakyat ang corn inventory sa 8.9% hanggang 777,370 MT mula sa dating 713,680 noong Abril ng nakalipas na taon.
Mas mataas ito ng 73.4% kumpara sa 448,310 MT na naitala noong buwan ng Marso.
Tumaas din ang stockpile ng mais sa mga commercial warehouse,wholesalers,retailers ng hanggang 31.2% subalit nanantiling mababab sa 30.3% sa households.