Walong landmark sa Pilipinas ang ipinasa ng Philippine delegation para mapasama sa tentative list ng World Heritage Sites ng United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization.
Ang mga ito ay ang sumusunod:
-sugar cultural landscape ng Negros at Panay
-landscape ng Taal volcano at caldera lake nito
-colonial urban plan and fortifications of the Walled City of Manila
-Agusan Marsh wildlife sanctuary
-Kitanglad and Kalatungan Mountain Ranges: Sacred Sites of Bukidnon
-Samar Island natural park
-extension of the Cordillera rice terraces
-extension of the Mt. Hamiguitan Range Wildlife Sanctuary-Pujada Bay
Ang World Heritage Sites ng UNESCO ay iginagawad sa mga lugar na may “outstanding universal value to humanity” kung saan dapat protektahan para maranasan pa ng mga susunod na henerasyon.
Sa kasalukuyan ay mayroon ng anim na UNESCO World Heritage Sites ang Pilipinas, ito ay ang mga sumusunod:
-Baroque churches of the Philippines
-City of Vigan
-Cordillera Rice Terraces
-Mt. Hamiguitan Range wildlife sanctuary
-Puerto Princesa Subterranean River
-Tubbataha Reefs natural park.