-- Advertisements --

Pumanaw na ang American writer na si Anne Rice sa edad 80.

Kinumpirma ng kaniyang anak na si Christopher Rice na nagkaroon ng kumplikasyon ang sakit nito na nagresulta sa stroke at nalagutan na ng hininga sa pagamutan.

Nakilala siya sa gothic novel nito na “Interview with the Vampire”.

Ang nasabing libro ay nakabenta ng 150 milyon noong ito ay inilabas sa taong 1976.

Ang nasabing libro ay isinapelikula pa na pinagbidahan noon nina Tom Cruise at Brad Pitt noong 1994.