Nagkasundo ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at DITO Telecommunity ng third telco provider na Mislatel Consortium sa pagpapalawak ng internet coverage sa mga kampo ng militar.
Sa ilalim ng nilagdaang memorandum of agreement (MOA) nina AFP chief of staff Gen. Benjamin Madrigal at Mislatel president Dennis Uy, nakasaad na inaasahang bibilis sa 27-mbps ang internet speed sa loob ng tanggapan ng AFP.
Pati raw ang maliliit na komunidad sa paligid nito ay makikinabang dahil sa relay towers na ilalagay ng kompanya.
Ayon kay Madrigal, malaking tulong ang communication signal at internet speed sa militar.
Siniguro naman ni Uy na bibigyan nila ng kahalagahan at po-proteksyunan ang tinatawag na cyber security.
Ayon kay Atty. Adel Tamano, tagapagsalita at siya chief administrative officer ng DITO, na may nakalatag na silang security plans kasabay ng pagpapatupad sa security protocols kaya hindi dapat mangamba ang publiko.