LEGAZPI CITY- Nakahanda na ang anim na grupo ng mga referees na kabilang sa mga mangangasiwa ng games sa 2023 FIBA World Cup.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay International referee and Officer-in-charge for Technical delegates Bong Pascual, dalawa sa grupo ng mga referees na ito ay ipinadala sa Okinawa, Japan; dalawa sa Jakarta, Indonesia at dalawa naman ay naiwan dito sa Pilipinas.
Nagsailalim umano sa masusing training at hinubog sa mga pinagdaanang competition clinic ang mga referees kung kaya may sapat na kakayahan para sa World Cup.
Pinag-aralan rin umano ng mga ito ang ranking, key players at maging ang depensa ng mga koponan na matatapat sa kanila kung kaya makatitiyak na malaki ang maitutulong para sa magandang takbo ng mga gagawing laban.
Samantala, tiwala naman si Pascual na malaking impact para sa Gilas Pilipinas ang paglalaro sa home court dahil marami ang mga Pilipinong basketball fans na magpapaabot ng suporta na magpapataas naman ng morale ng team