Ipinagmalaki ng Internal Affairs Service ng Philippine National Police (PNP-IAS) na 100% nilang nalutas ang lahat ng kasong administratibo na isinampa laban sa mga pulis noong 2022.
Ito ay ang unang pagkakataon na nangyari ito simula ng ipatupad ang ‘zero backlog of cases policy’ noong 2016 sa ilalim ng dating administrasyon ni Ex-President Rodrigo Duterte.
Iniulat naman ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr na nasa kabuuang 1,581 kasong administratibo ang naihain sa Internal Affairs Service noong 2022 at lahat ng mga ito ay naresolba noong Disyembre 29 noong nakalipas na taon.
Ang PNP Internal Affairs Service ay isang mahalagang disciplinary vanguard ng organisasyon na malaki ang naging ambag sa internal growth at reporma ng hanay ng pulisya mula sa mga tiwaling pulis o scalawags.