-- Advertisements --
Inirekomenda ng Internal Affairs Service (IAS) ng Philippine National Police na masibak sa serbisyo si Police Master Seargent Jonel Nuezca dahil sa pagpaslang nito sa dalawa sa kanyang kapitbahay noong Disyembre 2020.
Sa mensahang kanyang pinadala sa mga reporters, kinumpirma ni IAS chief Alfegar Triambulo ang rekomendasyon na alisin sa police force si Nuezca.
Pero aminado si Triambulo na ang may pinal na desisyon patungkol sa usapin na ito ay nakaatang sa balikat ni NCRPO chief Vicente “Vic” Dupa Danao Jr. dahil ito ang siyang may “disciplinary authority” kay Nuezca, na pumaslang sa mag-inang Sonya at Frank Anthony Gregorio.
Nauna nang naghain ng kanyang not guilty plea si Nuezca sa kasong kinakaharap nito.










