-- Advertisements --

ILOILO CITY – Tiniyak ni Cabinet Secretary Carlo Nograles ang pagbibigay ng solusyon sa problema ng insurhensya sa Western Visayas.

Ito’y kasunod ng isinagawang pagpupulong na dinaluhan ng kalihim kasama ang Regional Development Council at Regional Peace and Order Council nitong rehiyon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Nograles, sinabi nito na kanilang tututukan ang peace and order situation ng rehiyon.

Ayon kay Nograles, pinag-usapan din ang isyu sa mass transportation, kuryente, pagpapalawak ng mga ports, at iba pa.

Aasahan din aniya na makakatulong ang meeting upang maka-engganyo ng maraming investors at makalikha ng mas maraming trabaho sa rehiyon.

Dagdag pa nito, ito ay bahagi ng kanilang pagtupad sa direktiba ni Presidente Duterte na dalhin ang kaunlaran sa mga lalawigan upang hindi na kailangan lumuwas sa ibang lugar ang mga taga-probinsya upang maghanap ng ikabubuhay.

Ani Nograles, ang lahat ng napag-usapan sa pagpupulong ay magiging prayoridad sa Cabinet meeting upang mabigyan ng kaukulang pansin ng gobyerno.