Papaigtingin pa ang inspeksiyon at quick random drug tests sa mga drivers ng Public Utility Vehicles (PUVs) sa mga terminal sa buong bansa para masupil ang mga nakainom o nasa impluwensiya ng droga habang nagmamaneho.
Sa isang statement, sinabi ng Land Transportation Office (LTO) na nasa kabuuang 558 road crash incidents ang naitala mula noong buwan ng Enero hanggang Agosto ng kasalukuyang taon sa ilalim ng Law Enforcement Service-Anti-Drunk at Drugged Driving Enforcement Unit.
Pinakamataas na bilang na naitala noong buwan ng Agosto na nasa 128 incidents kung saan nasa kabuuang 476 drivers ang nasuring nagpositibo sa alcoholic intoxication na base sa data ng LTO, lumalabas na nasa 17 ang nasawi at 281 ang nasugatan.
Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Teofilo Guadiz, panahon na para baguhin ang naturang mindset para maiwasan ang pagkakatala ng fatalities at physical injuries.
-- Advertisements --