LAOAG CITY – Inihayag ni Police Col Frederick Obar, ang Provincial Director ng Ilocos Norte Police Provincial Office na magbigbigay sila ng libreng sasakyan para sa mga delegado ng Palarong Pambansa 2025 para masiguro ang seguridad nila dito sa Ilocos Norte.
Sinabi ni Obar na mula sa Laoag International Airport ay susunduin ang mga delegado mula sa iba’t-ibang lugar sa bansa at ihahatid sa mga billeting areas dito sa lalawigan.
Tiniyak pa ni Obar na nakahanda na ang buong pwersa nila sa pagbibigay ng security sa lahat ng venue kung saan isasagawa ang mga palaro.
Dagdag pa niya na gagawin nila ang lahat para iparamdam sa mga bisita ang pagiging VIP nila habang nandito sila sa llocos Norte.
Samantala, umapela naman si Obar sa publiko na tumulong upang maging matagumpay ang pag-host ng Ilocos Norte sa Palarong Pambansa sa kasalukuyang taon