-- Advertisements --

Tinalo ni Japanese boxing star Naoya Inoue si Stephen Fulton.

Sa laban na ginanap sa Tokyo, Japan pinatumba ni Inoue si Fulton sa loob lamang ng walong round.

Dahil sa panalo ay nakuha nito ang WBC at WBO super bantamweight titles.

Mayroon ng 25 panalo at wala pang talo na mayroong 22 knockouts si Inoue habang si Fulton ay mayroong 21 panalo at isa ng talo.

Mula pa noong 2021 ay hawak na ni Fultong ang dalawang belts at itinuturing ng top fighter sa nasabing division.

Ang 30-anyos na si Inoue ay hawak na ang apat na major belts sa 118 pounds ng talunin nito si Paul Butler noong Disyembre at umakyat ng timbang para makalaban si Fulton.

Ang laban nila ay unang itinakda noong Mayo 7 pero nagtamo ng injury sa kamay si Inoue dahil sa kaniyang training kaya iniurong nila ang petsa.