-- Advertisements --

Itinuturing ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nakamit ng bansa ang pinakamabilis na pagtaas ng inflation noong buwan ng Abril.

Umabot kasi sa 4.9 percent ang naitalang inflation noong Abril kung saan mas mataas ito noong Marso na mayroong 4.1%.

Ito na rin ang pinakamabilis na pagtaas ng inflation sa loob ng tatlong taon.

Ayon kay National Statistician Claire Dennis Mapa na ang pinagmulan ng inflation noong nakaraang buwan ay mula sa mga food at non-alcoholic beverages na tumaas ng 3.8 percent.

Umaasa naman ang PSA na posibleng tumaas ang inflation ngayong buwan ng Mayo.