Naglabas ngayon ng kanilang month-ahead inflation forecast ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa buwan ng Enero.
Batay sa report ng BSP, wala pang aasahang gaanong pagbabago ngayong buwan, dahil nasa adjustment period pa ang bansa.
Sa kanilang pagtaya, maaari itong pumalo mula 3.3 percent hanggang 4.1 percent.
Ang presyo ng langis, karne, power rate at excise taxes sa alcoholic beverages at tabako ang nakikitang magkakaroon ng mga paggalaw.
Pero inaasahang mababalanse pa rin ito ng matatag na presyo ng bigas, isda at gulay, kasama na ang malakas na local currency kumpara sa dolyar.
Ang inflation kasi ang siyang sukatan ng mabilis na pagtaas o pagbaba ng halaga ng mga bilihin at serbisyong kinakailangan.
Tiniyak naman ng BSP na kanilang babantayan ang economic at financial developments para sa pangkalahatang paglago ng ekonomiya.