-- Advertisements --
Bumaba ang inflation sa bansa sa tatlong sunod na buwan.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) na mayroong 4.2 porsyento ang itinaas ng inflation o ang antas ng pag-akyat ng presyo ng bilihin ngayong Nobyembre.
Mas mabagal pa ito sa 4.6 percent na naitala noong Oktubre.
Dagdag pa ng PSA na ito ay dahil sa pagbaba ng presyo ng gulay at ang pagbagal ng inflation sa isda at karne.
Inaasahan ng PSA na mapapanatili ng bansa ang mataas na inflation hanggang sa katapusan ng 2021 at aabot sa 2022.










