-- Advertisements --

Inaasahang bababa na ang inflation ngayong  Pebrero  na magpapatuloy pang maranasan sa Pilipinas pero ang itlog at isda ang magsisilbing ‘flavor  of the year ‘ sa nasabing isyu.

Sinabi ni Salceda na ang inflation level sa Enero ay inaasahang bababa na sa Pebrero pero ang isda at itlog ay mananatiling mataas sa 2023 maliban na lamang kung ang presyo at supply ng mais ay bumuti.

” I am sure the overall price level on February and every month in 2023 will be lower than 8.7%. Vegetable prices – especially onion – will go lower, especially during this harvest season. But I expect fish prices, as well as egg and dairy prices, to remain elevated. Corn drives those prices, and corn prices – imported or domestic – are expensive,” pahayag ni Cong. Salceda.

Ayon kay Salceda ang presyo ng mais ay may inflation rate na 16 % kada taon at patuloy na naga-accelerate buwan-buwan ng  1 %.

Sinabi ni Salceda na igigiit niya muli ang kaniyang inisyal na mungkahi na tingnan ang taripa sa mais  at subukin itong idirekta sa tumataas na produksyon.

Sa katunayan , ayon pa kay Salceda ang imported na mais ay P 2 pesos na higit na mataas sa lokal na mais  kaya tama lang na mag-import.

Aminado naman si Salceda na ang 2-4 % na target ay mahihirapang makamtan at 5 % inflation ay istraktural na.

Inihayag ni Salceda na ang Bangko Sentral ng Pilipinas ay sisikaping ang presyo ay makontrol kung saan ang 50 pangunahing puntos sa pagtaas ng interest rates noong Pebrero 16 Monetary Board meeting  ay mapaguusapan at maaring ianunsyo.

“The BSP will try to keep prices under control. Definitely another 50 basis point hike in interest rates during the February 16 Monetary Board meeting will be taken up, perhaps announced. But inflation is not due to accelerated demand. It’s supply. Monetary policy adjustments will have limited effect in that regard,” paliwanag ng mambabatas.