-- Advertisements --
Pumalo na sa 3,300,971 ang kabuuang bilang ng mga infected ng coronavirus diasease 2019 (COVID-19).
Sa nasabing bilang, 1,978,375 (97%) sa kanila ay may mild condition at ang 50,962 (3%) naman ay serious o critical condition.
Pinakamaraming tinamaan ng COVID ay nasa Estados Unidos na aabot sa 1,092,903.
Habang ang mga namatay naman dahil sa nasabing virus sa buong mundo ay umakyat na sa 233,708.
Samantalang ang mga naka-recover ay 1,037,926, matapos ang gamutan at quarantine procedure.
















