-- Advertisements --
Umakyat na sa 6,567,260 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo.
Sa nasabing bilang, 2,960,802 (98%) ang nasa mild condition at 54,201 (2%) naman ang mayroong serious o critical condition.
Nangunguna pa rin ang Estados Unidos sa mga bansang may kaso ng coronavirus.
Pangalawa sa record ang Brazil, pangatlo ang Russia, pang-apat ang Spain at panglima ang United Kingdom.
Ang kabuuang bilang naman ng mga nasawi ay sumampa na sa 387,911.
Habang ang mga naka-recover ay 3,164,346, matapos ang gamutan at quarantine procedure.
















