-- Advertisements --
Sumampa na sa 3,565,265 ang bilang ng mga infected ng COVID-19 sa buong mundo.
Ang 2,112,979 (98%) sa mga pasyente ay mayroong mild condition, habang ang 50,041 (2%) naman ay may serious o critical condition.
Pinakamataas pa rin ang naitala sa Estados Unidos na may 1,188,122.
Pangalawa sa listahan ang Spain na may 247,122 at pangatlo ang Italy na may 210,717.
Sa record naman ng fatalities, 248,250 na ito, habang ang mga naka-recover ay 1,153,995.