-- Advertisements --

Sugatan ang alkalde ng bayan ng Infanta sa Quezon province matapos na barilin ito ngayong araw ng Linggo.

Ayon kay Quezon Governor Danilo Suarez, binaril si Mayor Filipina Grace America habang siya ay nasa loob ng sasakyan.

Naghahanda na sana aniya ang naturang alkalde na umalis sa simbahan kung saan dumalo ito ng Misa.

Kaagad na isinugod sa Claro M. Recto Memorial Hospital sa Infanta si America, at nakatakdang i-airlift sa isang opsital sa Metro Manila.