-- Advertisements --

Nagpahayag ng suporta si Indian Foreign Minister S. Jaishankar para sa Pilipinas sa paninindigan sa soberaniya ng ating bansa sa loob ng West Philippine Sea kasunod ng mapanganib na water cannon attack na matinding nakapinsala sa resupply boat ng PH at ikinasugat ng 3 Pilipinong Navy personnel.

Kapwa nangako din ang PH at India ng pagpapaigting pa ng kooperasyon pagdating sa larangan ng depensa, seguridad, maritime at ekonomiya sa pagharap ng tumitinding mga hamon sa rehiyon.

Sa isang joint press briefing kasama ang counterpart nito na si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, binigyang diin ni Jashankar ang pangangailangan para sa rules-based order sa mayamang karagtaan na inaangkin ng China sa kabila pa ng international tribunal ruling na nagpapawalang bisa sa claims nito.

Sinabi din ng Indian Foreign Minister na ang pag-unlad ng rehiyon ay makakamit sa pamamagitan ng pagtalima sa rules-based order sa ilalim ng UNCLOS.

Lahat din aniya ng partido ay dapat na sumunod dito sa sulat man o sa diwa ng international law.