-- Advertisements --
Nalampasan umano ng India ang Pilipinas pagdating sa ikalawa sa biggest exporter ng christmas decor patungong Estados Unidos.
Sinasabing ang India ay nakapagbenta ng $20 million halaga ng festival goods at accessories sa US noong buwan ng Agosto.
Ayon sa record ng US Customs, halos triple daw ito mula sa nakalipas na isang taon.
Nagpapakita daw ito na nalampasan ng India ang Pilipinas dahil sa nais din daw ng mga buyers ng pagbabago sa supply sources kasunod ng disruption sa China na labis ang higpit dala ng kanilang patakaran na Zero-COVID policy.
Dati na rin ang China ang top exporter ng christmas decors sa Amerika.