-- Advertisements --

Tumaas daw ang bilang ng ilang index crimes mula nang ipatupad ang alert level 1 status sa ilang lugar sa bansa.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, partikular na dito ang kaso ng pagnanakaw.

Sinabi ni Año na ang theft incidents ay posibleng resulta ng pagtaas ng mobility ng mga tao lalo na sa National Capital Region (NCR) at ilang lugar sw bansa matapos luwagan na ang mga restrictions dahil sa bumababang kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Napansin daw ng DILG na ang mga malalapit sa mga mall at sa mga palengke ay medyo dumami na naman ang mga mandurukot.

Dahil dito, nagpaalala ang kalihim sa publiko na kung maari ay iwasan daw ang matataong lugar.

Noong Marso 1 nang ilagay ang Metro Manila sa ilalim ng Alert Level 1 matapos makamit ang metrics na itinakda ng Inter Agency Task Force (IATF).

Sinabi naman ni Health Secretary Francisco Duque III na ang buong kapuluan ay posibleng manatili sa Alert Level 1 hanggang sa magtapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte Hunyo 30, 2022.

Sa ilalim ng Alert Level 1pinapayagan na ang intrazonal at interzonal travel kahit sa anong edad at kahit may comorbidities.

Lahat naman ng mga establisimiyento, tao at aktibidad ay papayagan nang mag-operate, magtrabao ay magpatupad ng on-site or venue/seating capacity basta’t sumusunod ang mga ito sa minimum public health standards.