-- Advertisements --

Nagdadalamahti ngayon si British Prime Minister Boris Johnson dahil sa pagpanaw ng kaniyang ina na si Chartlotte Johnson Wahl sa edad na 79.

Ayon sa kampo nito na nilagutan na ito ng hininga habang ito ay nasa St. Mary’s Hospital sa Paddington, west London matapos na dapuan ng Parkinson’s disease.

Bukod sa UK Prime Minister ay may tatlong anak ito na sina Rachel, Leo at Joseph at 13 apo.

Isinilang noong 1942 at nag-aral ng English Literature sa Oxford University bago naging painter.

Kahit na may sakit na ito ay patuloy pa rin ang kaniyang pagpinta.

Nagpaabot naman ng kani-kanilang pakikiramay ang mga opisyal ng United Kingdom ng mabalitaan ang pangyayari sa ina ng kanilang Prime Minister.