-- Advertisements --
Naniniwala ang ina ng 16-anyos na dalaga sa Iran na ito ay pinatay ng mga otoridad sa kasagsagan ng kilos protesta.
Sinabi ni Nasrin Shakarami na ang may mga nakita itong sugat sa katawan ng anak na si Nika.
Posible umano itong itinapon sa gusali ng otoridad matapos na lumahok sa kilos protesta.
Ang nasabing pahayag nito ay taliwas sa inilabas na opisyal na forensic report na nasawi ang biktima matapos dapuan ng matinding sakit.
Magugunitang ito na ang pangalawang kaso ng pagkasawi ng babae sa Iran sa kamay ng mga otoridad dahil noong Setyembre 13 ay nasawi ang 22-anyos na si Mahsa Amini.
Inaresto si Amini dahil umano sa paglabag sa hindi pagsuot ng hijab.