-- Advertisements --
Nagpasaklolo na ang ina ng artist na si Bree Jonson sa Department of Justice (DoJ) para hilinging maglabas ng hold departure order laban kay Julian Ongpin, anak ng bilyonaryong si Roberto Ongpin.
Ayon kay Sally Jonson, ina ng biktima, posible kasi umanong may alam sa pagkaalam ng sikat na painter.
Una rito, ayon sa PNP si Ongpin ang huling kasama ng Jonson bago matagpuang walang malay sa isang hotel sa La Union.
Matapos dalhin sa ospital ay dito ideneklarang patay na si Bree.
Una nang inakusahan ang 29-year-old na si Julian ng possession of illegal drugs at iniimbestigahan matapos ang pagkamatay ng 30-year-old visual artist.