-- Advertisements --
poultry

Ipinagbawal ng Department of Agriculture (DA) ang importasyon ng mga karne ng manok at iba pang poultry products mula sa Chile sa gitna ng outbreak ng avian flu sa nasabing bansa.

Sa bisa ng Memorandum order 29 na nilagdaan ni Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban, ban muna ang pag-aangkat ng domestic at wild birds kabilang ang poultry meat, day old chicks, itlog at semilya na nagmumula sa Chile.

Ayon kay Panganiban base kasi sa report na isinumite ng Chile sa World health Organization for Animal health nagkaroon ng outbreak ng H5N1 highly pathogenic avian influenza sa Rubiana 1, Comuna de Rancagua noong Marso 10 na nakaapekto sa domestic birds.

Ang habang ng DA ay para mapigilan na makapasok sa bansa ang naturang virus para maprotektahan ang kalusugan ng local poultry sa Pilipinas.

Ipinag-utos din ang agarang suspensyon ng pagproseso at pag-isyu ng sanitary at phytosanitary import clearance ng apektadong mga produkto gayundin ang pagkumpiska ng lahat ng shipments ng ipinagbawal na poultry products.