Nakatakda nang ipatupad ang implementasyon ng seven-year Philippine Fisheries and Coastal Resiliency Project ng Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at World Bank sa darating na Agosto.
Ito ay ang kauna-unahang collaboration project sa pagitan ng BFAR at World Bank na binigyan ng kabuuang pondo na nagkakahalaga sa USD209-million o katumbas ng Php11.42-billion.
Ayon sa BFAR, ang proyektong ito ay layuning makapagbigay ng iba’t ibang fisheries interventions para sa mga mangingisda upang mas mapainam pa ang ecosystem, community resilience, at mga benepisyo sa mahigit 1.15 million na mga mangingisda, small to medium enterprise, iba pang fisheries stakeholders, at mga residente ng coastal communities sa 11 rehiyon at 24 na mga probinsya sa bansa.
Sinabi ni BFAR director Demosthenes Escoto, sa pamamagitan ng proyektong ito ay matitiyak aniya ang sustainability ng mga mangingisda at coastal resources para sa food security, at makakatulong din na mabawasan pasanin n mga ito sa pamamagitan ng mas pinahusay na pamamahala sa lahat ng aspeto at matatag na sektor ng pangisdaan.
Bukod dito ay tinatargety din ng FishCoRe project na tugunan ang mga hamong ito sa mga mangingisda sa pamamagitan ng mga ecosystem-based approach to fisheries management (EAFM), kung kaya’t pinapahusay nito ang halaga ng produksyon ng pangisdaan at pagpapataas ng kita sa mga komunidad sa baybayin sa pamamagitan ng agham, kaalaman at teknolohiya.