Aarangkada na ang Public Utility Vehicle Modernization program ng pamahalaan sa susunod na buwan Disyembre 31, 2023.
Wala ng makakapigil sa deadline para sa pagbuo ng mga kooperatiba o korporasyon para sa mga jeepney drivers bilang bahagi ng nasabing programa, ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista.
Sa kabila ito ng alegasyon na kurapsyon sa ahensya ay mariing itinanggi ni Bautista ang mga akusasyon laban sa LTFRB na umano’y nagkakaroon ng bilihan ng ruta ng jeepney.
Giit pa ni Bautista na hindi for sale ang mga ruta at ang prangkisa ay libre lamang.
Matatandaang una nang sinabi ng dating empleyado ng LTFRB na si Jeffrey Tumbado na sangkot daw umano ang ahensya sa talamak na katiwalian bagay na sanhi ng pagka suspinde ni Atty. Teofilo Guadiz III.
Pero noong Lunes lang Nobyembre 6 ibinalik sa pwesto si Guadiz alinsunod sa inilabas na Special Order No. 2023-380 na nilagdaan ni DOTr Secretary Jaime Bautista.