-- Advertisements --

Inaasahang tatagal ng halos tatlong buwan ang gaganaping impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kapag nagsimula na ito sa darating na July 6,2026.

Tantiya ito ni lead prosecutor at Batangas Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro, matapos tanungin kung may nakikitang timeline ang prosecution na matatapos ang impeachment trial.

Sinabi ni Luistrro, kung magiging tuloy-tuloy at walang magiging antala ang mga pagdinig, matatapos ang trial sa September.

Ipinaliwanag ni Luistro na itatakda ng Senate impeachment court ang pinal na iskedyul at bilang ng mga araw ng paglilitis sa gaganaping pre-trial conference sa June 18. 

Ayon kay Luistro, tatanungin ang magkabilang panig kung ilang araw ang kanilang kailangan para mailatag ang kani-kanilang mga ebidensya at testigo.

Ibinahagi rin ng mambabatas na ibinatay niya ang kalkulasyon sa nakaraang impeachment trial ni dating Chief Justice Renato Corona na tumagal ng apat na buwan mula Enero hanggang Mayo noong 2012. 

Dahil dito, naniniwala si Luistro na kakayaning tapusin ang kaso ni Duterte sa loob lamang ng tatlong buwan.