Maari nang makita ng publiko ang lahat ng dokumentong may kinalaman sa kasalukuyang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa pamamagitan ng Senate Website.
Ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian, bahagi ito ng hakbang ng senado para sa bukas at malinaw na proseso ng paglilitis, gayun na rin sa pagpapanatili ng integridad ng institusyon.
Kasunod nito, tiniyak ng Senate President ang pagbibigay ng direktiba sa Senate Secretariat na seguruhin ang pagkakaroon ng sapat na resources upang ma isapubliko ang mga dokumento sa pinakamabilis at episyenteng paraan sa oras na iharap ang mga ito sa paglilitis.
Dahil rito maari nang ma beripika mismo ng publiko ang mga ebidensya na inilalahad sa paglilitis.
Sa huli, inanyayahan naman ni Gatchalian ang mga Pilipino na basahin, suriin at unawain para sa kanilang sarili ang mga nagiging proseso sa pagdinig. At binigyang-diin na bagama’t sila aniya ang nakaupo bilang senator-judges, ang tunay at huling hukom umano sa impeachment trial ay ang publiko.
















