Nagpasya ang Senado na ibalik sa House of Representatives ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa botong 18-5 at walang abstenstion ay nagpasya ang Senado na ibalik ang impeachment complaint sa Kamara de Representante.
Ang mosyon na ibalik sa House of Representatives ay ipinasa ni Sen. Alan Peter Cayetano kung saan nilinaw nito na hindi nangangahulugan na kanilang ibinabasura na ang kaso.
Ang mga bumoto na kontra na ibalik sa Kamara ay sin Sen. Koko Pimentel, Sen. Risa Hontiveros, Sen. Nancy Binay, Sen. Grace Poe at Sen. Sherwin Gatchalian.
Habang ang 18 pumabor ay sina Sen. Cayetano, Ronald “Bato” dela Rosa, Bong Revilla, Imee Marcos, JV Ejercito, Bong Go, Loren Legarda, Robinhood Padilla, Jinggoy Estrada, Francis Tolentino, Joel Villanueva, Pia Cayetano, Lito Lapid, Cynthia Villar, Mark Villar, Juan Miguel Zubiri, Raffy Tulfo ay Sen. Chiz Escudero.