-- Advertisements --
Nakatakdang pirmahan ni US President Donald Trump ang executive order kung saan pansamantalang sususpendihin ang immigration sa Estados Unidos bilang hakbang ng bansa na labanan ang coronavirus.
Ginawa ang deklarasyon ilang oras lamang matapos bumagsak ang U.S equity market kasabay ang kauna-unahang beses na pagsadsad ng presyo ng krudo.
Hindi naman malinaw ang naturang plano ng presidente at nananatiling tahimik ang White House hinggil dito.
Ikinatuwa naman ni Rep. Paul Gosar ng Arizona ang bagong polisiya na ito. Nagbigay pa ito ng suhestyon na dapat daw ay magpatuloy lamang ang nasabing patakaran.










